Ni Kristine Joy Labadan
ITO ang kadalasang gamot sa mga bagay na ating dinaramdam: mahalin muna ang iyong sarili. Bagamat maraming depinisyon ang pwedeng ibigay, heto ang ilan sa mga kahulugan na maaaring magpauunawa sa lahat kung ano nga ba talaga ito:
- Lakas ng loob upang patawarin ang sarili.
Ibig sabihi’y dapat nating kinikilala ang ating kamalian ngunit hindi magiging rason ng pagkagalit sa ating sarili. Unawain na ang hindi pagpapatawad sa sarili ay ang pinakamalupit na kritisismo at walang sinuman ang mamahalin ka hangga’t hindi mo napapatawad ang sarili sa mga pagkakamali. Yakapin ang sarili at ang iyong mga kakulangan, ito’ng nagpapaganda at nagbibigay interes sa mundo.
- Hindi ang iyong bigat, kulay ng buhok, o porma ang nakakabawas ng iyong kagandahan.
Hindi lamang isang paraan mayroon upang maging maganda, at ang pagmamahal sa sarili’y ang pagtatanto na ang iyong kagandahan sa kung ano ito at hindi sa kontektso nang kung paano mo ikukumpara ang sarili sa iba.
- Kalayaan na gawin ang gusto mo o ituloy ang buhay ayon sa inaasahan ng iba.
Ang mahalin ang sarili’y nangangahulugang pagkabatid sa kung ano ang nagpapasaya sa’yong kaluluwa at ang gawin yun nang mas madalas. Hindi para sa kung magkano ang kikitain mo, hindi sa kung sino ang huhusga sa’yo, hindi sa kung ikaw’y magtatagumpay talaga dito. Kailangan mo ang maging matagumpay sa kaalamang ginagawa mo ang pinakagusto mong gawin.
- Hindi lahat ay mamahalin ka’t di kailangang mahalin ka ng lahat.
Kung totoo ka sa’yong sarili at may problema roon ang iba, yun ay kanilang problema at hindi na sa’yo.
Ang pagmamahal sa sarili’y ang pagkakabatid na hindi mo maaaring makuha ang pagmamahal, papuri, at pagtanggap ng lahat ng iyong nakakasalamuha. Gayunman, hindi nito sinasalamin ang kung sino ka man.
- Pag-unawa na kailangang mahalin muna ang sarili bago ka mahalin ng iba
Ang relasyon na puno ng pag-aalinlangan, inggit, pagdududa atbp. ay tiyak ang pagpalpak. Paano iisipin ng iba na karapat-dapat kang mahalin kung hindi mo ito naipapadama sa sarili? Kailangang maramdaman mo sa sarili na karapat-dapat ka sa pagmamahal at iyon ay magmumula sa’yo mismo.