Ni Melrose Manuel
TATANGGALIN ng Department of Trade and Industry o DTI ang limitasyon sa bilang ng mga produktong maaring bilhin na kabilang sa mga pangunahing pangangailangan.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na wala nang nangyayaring panic buying na naging dahilan para limitahan ng gobyerno ang bilang ng mga produktong maaring bilhin ng mga consumers.
Ayon kay Lopez, sa ngayon ay malakas na ang suplay ng mga pangunahing produkto at pagkain.
Halos 100% na balik na muli ang operating capacities ng maraming kompanya kahit sa general community quarantine o GCQ kaya punong-puno na muli ng mga produkto ang mga supermarkets.