NI: JAO GREGORIO
LUMUHOD paikot sa center circle ng Anfield Stadium ang 29 Liverpool Star players bilang pakikiisa ng mga footballer sa laban ngayon ng nasawing Black American na si George Floyd.
Ibinahagi naman ng ilang squad member ang naturang litrato sa social media at nilagyan ito ng caption na ‘unity is strength #blacklivesmatter.’
kabilang sa nag-share sa twitter ay sina star players Virgil Van Dijk, Trent Alexander-Arnold at Captain Jordan Henderson at ni-retweet ito ng official twitter account ng Liverpool.
Matatandaang, napatay si Floyd ng isang police officer sa Minneapolis na nagdulot ng malaking protesta sa buong Amerika.
Sa ngayon, malaking panawagan sa buong mundo ang pagkitil sa isyu ng rasismo at hustisya.