Ni Melrose Manuel
NANGUNGUNA na ngayon ang Lungsod ng Cebu na may pinakamaraming kaso ng coronavirus disease 2019 sa bansa.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health, ang kumpirmadong kaso sa Cebu City ay nasa dalawang libo, limangdaan at apatnapu’t siyam (2,549).
Hindi naman nalalayo sa kaso ng Lungsod ng Quezon City na dalawang libo, limangdaan at labingsiyam (2,519). Sinundan naman ng Lungsod ng Maynila, Makati at ParaƱaque.
Sa ngayon, lagpas sa dalawampu’t apat na libo (24,000) na ang tinamaan ng COVID-19 sa buong bansa.