Ni: Justine Nazario
KINAALIWAN ng mga netizens ang isang video ni Mang Juan o mas kilala bilang si dating Senate President Juan Ponce Enrile sa TikTok kasama ang grupo ng mga dinosaur.
Tila naging walking meme na para sa karamihan ang dating senador kaugnay sa haba ng buhay at mga pinagdaanan nitong panahon. Pinatunayan nito na kaya pa niyang makipagkulitan sa edad na 96 years old.
Pumatok sa social media ang ibinahaging video ng apo ng dating Senate President na si Kris Ponce-Enrile.
Sa ibinahaging video ng apo nito sa TikTok, makikita ang nakakaaliw na pakikipagkulitan ng dating senador kasama ang grupo ng mga taong nakasuot ng dinosaur costume. Makikita rin dito ang pag high-five at pakikipagtawanan sa kaniyang mga hashtag #alaga at kaibigang dinosaurs.
Lalo pang kinaaliwan ang video dahil sa background music nito na siyang theme song ng pelikulang Jurassic Park.
Nagsilbi naman itong daan upang makapaghatid siya ng saya sa netizens sa gitna ng nararanasang problema ng bansa.
Marami rin ang nagpahayag ng kanilang pagkaaliw sa video ng dating mambabatas.