Ni Vic Tahud
MARAMING nais pumalit sa Department of Health (DOH) officials dahil sa malaking pondo ng ahensya.
Ito ang pahayag ni Senator Richard Gordon kasunod ng mga panawagan na magbitiw sa pwesto si Health Secretary Francisco Duque III dahil sa mabagal na pagtugon sa pagharap sa COVID-19 pandemic.
Ani Gordon, hindi rin maganda ang papalit-palit na pinuno dahil maaari itong maka-apekto sa programa ng ahensya.
Sa kabila nito, inihayag ni Gordon, chairman ng senate blue-ribbon committee, dapat pa rin may mag-monitor sa DOH patungkol sa mga bumibili ng overpriced na mga gamot.