Ni Aaron Roxas
TARGET ngayon ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) na makumpleto ang rehabilitasyon ng Marawi City sa susunod na taon sa buwan ng Disyembre.
Ibinahagi maman ng housing secretary na mahigit 47,000 na construction workers ang nakabalik na sa trabaho simula noong June 1.
Tiniyak ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) na matatapos ang rehabilitasyon sa lungsod ng Marawi sa target deadline na December 2021.
Ito ang sinabi ni TFBM Chairman at Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo Del Rosario sa laging handa public briefing sa kabila ng kinakaharap na banta sa COVID-19.
Dagdag pa ni Del Rosario, sinigurado ng lahat ng implementing agencies at ni Marawi Mayor Majul Gandamra na patuloy ang rehabilitasyon sa Islamic City kahit pa ipinapatupad ang lockdown.