Ni MJ Mondejar
TINIYAK ni House Speaker Alan Peter Cayetano na magpapasok sila ng mga probisyon sa Bayanihan 2 bill para sa maayos na sistema sa Social Amelioration Cash aid at ayuda para sa mga Overseas Filipino Workers.
Sa ilalim ng House Bill 6953 o ang Bayanihan 2, magpapasok ng mga probisyon ang Kamara para sa maayos na pamamahagi ng SAP cash aid.
Sa isang pahayag, sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ayaw nilang maulit pa ang mga aberya sa pamamahagi ng unang tranche ng SAP.
“Congress will be exercising its oversight functions to ensure that “the mistakes of the past will not be repeated,” ani Cayetano.
Aniya, kailangan ng probisyon na magtitiyak na maibibigay ang SAP cash aid sa mga pinaka-nangangailangan at mabilis itong maipamahagi.
“We want also to ensure that SAP will be given to all Filipinos who need it most. We respect and acknowledge the tremendous work done by the departments involved, but our citizens cannot afford to wait that long. There must be a better way, and together we will find it,” dagdag pa nito.
Mungkahi din nito na tutukan ang testing at tracing para hindi na mangyari pa ang second wave ng COVID.
“Now we must take the hard lessons we have learned the past months and apply it in the testing, tracing, and treatment of patients in order to escape the threat of a more devastating second wave,” ayon pa rin kay Cayetano.
Sa ilalim ng Bayanihan 2, may nakalaang emergency subsidy para sa mga low- income families, households at mga repatriated OFWs dahil sa pandemya, mga no- work- no- pay workers, freelancers at mga self- employed.
“Ang ating mga OFWs, na matagal na nating inaasahan dahil sa kanilang napakalaking contribution sa ating ekonomiya ay naghihirap ngayon. Marami ang umuuwi dahil sa kakulangan ng trabaho sa ibang bansa,” wika ni Cayetano.
Sa ilalim din ng panukala, maglalaan ng unemployment o involuntary separation assistance sa halagang ten thousand pesos (P10,000) para sa mga displaced workers, project, seasonal, contractual at casual employees sa mga private health institutions, tourism, culture and arts, creative, industries, freelancers, self-employed kasama na ang mga OFWs na walang trabaho dahil sa government-imposed deployment ban.
Magpapasok din sila ng mga probisyon para mapalago ang health support system ng bansa lalo na sa mga health workers at frontliners.