Ni Troy Gomez
PATULOY ang pamamaga at pamumula ng crater ng Mayon Volcano sa Albay.
Ito ang inihayag ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology Officer-In-Charge Undersecretary Renato Solidum.
Ayon kay Solidum, malinaw na may mainit na source ng magma o gas sa tuktok ng nasabing bulkan.
Patuloy parin naman nilang binabantayan ang rockfall events dahil kung dadami ito, ibig sabihin ay umuusad na ang magma pataas.
Sa kasalukuyan ay nasa alert level 2 ang status ng Mayon Volcano habang walang naitalang volcanic earthquake sa nakalipas na magdamag.