Ni Vhal Divinagracia
ITO ang isinisigaw ng Alliance of Concerned Teachers o ACT Philippines kaugnay sa online enrollment na ipinatutupad.
Batay sa datos ng Department of Education, kadalasan sa may mataas na bilang ng enrollees ay ang mga lugar na urbanisado.
Sa isang pahayag, sinabi ni ACT Secretary Raymond Basilio na nagpapakita lang ang datos na marami sa mga kabataang mahihirap ang mapag-iiwanan ngayong pasukan.
Binigyang-diin pa nito na hindi mapapalitan ng bagong sistema ng edukasyon ang pagiging-accessible ng face-to-face learning sa lahat ng mag-aaral.
Kahit pa aniya may modules na ibibigay, limitado parin ang monitoring ng mga guro sa mag-aaral.
Dahil dito, ipinanawagan ng ACT Philippines na sana’y pag-aralan pa ng pamahalaan ang pwedeng gawin para maging ligtas ang face-to-face learning set-up.