Ni Vhal Divinagracia
PATULOY na sinisigurado ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na ipatutupad nila ang GCQ guidelines lalong-lalo na sa mga bus na pinayagang magbalik-operasyon simula ngayong araw.
Ito ang ibinahagi ni MMDA Traffic Chief Bong Nebrija sa panayam ng Sonshine Radio alinsunod sa paglabag umano ng passenger capacity ng iilang mga bus.
Ani Nebrija, hindi na nasusunod ang physical distancing dahil dito. Hindi naman aniya pwedeng i-tolerate ang ganitong mga insidente dahil nagbabanta ito sa kalusugan ng mga mananakay.