Ni Karen David
NAGSIMULA nang bumiyahe ang mga modern jeepneys, tatlong linggo mula ng ilagay sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila.
Ngayong Lunes nang nagbukas ng 15 ruta sa Metro Manila ang gobyerno para sa modern PUJs bilang bahagi ng unti-unting pagbabalik ng public transportation sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Nakasuot naman ng face mask at face shield ang mga driver bilang bahagi ng safety measure kontra-COVID-19.
May inilagay naman na marking o paalala para sa social distancing sa mga upuan ng modern jeepney.
Mahigpit ding pinaiiral ang “no face mask, no entry.”
ang minimum fare o pamasahe sa modern jeepney ay nasa labing isang piso.