Ni Karen David
UMABOT na sa mahigit labing tatlong milyon ang bilang ng mga naka-enroll para sa school year 2020-2021 sa buong bansa.
Batay sa datos ng Department of Education hanggang kaninang alas 8 ng umaga, kabuuang 13.2 milyon na ang naka-enroll sa basic education level kasama na ang mga nasa Learner with Disabilities at Alternative Learning System (ALS)
Sa nasabing bilang, mahigit 12.8 milyon ang naka-enroll sa mga pampublikong paaralan habang halos kalahating milyon lamang sa mga pribadong paaralan.
Pinakamaraming bilang ng mga nag-enroll sa Region 4A na may mahigit 2 milyon enrollees habang ang NCR naman ay may mahigit 1.6 milyon enrollees.