Ni Pat Fulo
AABOT sa 14,000 na empleyado ng mga provincial bus companies ang posibleng mawalan ng trabaho bunsod ng limitadong operasyon ng mga bus.
Ito ang kinumpirma ng Province Bus Operators Association kasunod ng anunsyo ng Victory Liner ang pagtanggal sa may 400 nilang empleyado.
Ayon sa PBOA, karamihan sa mga maaring matanggal sa kumpanya ay mga support staff.
Paliwanag ng grupo, ito ay dahil sa inilalaang mga requirements ng pamahalaan sa pagbabalik-operasyon tulad ng cashless payment at limitadong kapasidad sa loob ng bus.
Sa cashless payment scheme pa lamang ay aabot na sa 8,000 na mga konduktor ang posibleng maapektuhan at mawalan ng trabaho.
Wala rin aniyang kinikita ang mga kumpanya sa 50% capacity na pinayagan ng Department of Transportation.
Gayunman ay nagpatakbo pa rin sila ng mga bus upang may kitain ang kanilang mga drivers at konduktor sa halip na magmula pa sa mga operators ang ayuda sa kanila.