Ni: Melrose Manuel
NAMAYAPA na ang Hall of Famer na si Wes Unseld sa edad na pitumpu’t-apat kung saan base sa inilabas na anunsyo ng Wizards, pneumonia ang naging dahilan ng pagkamatay ng manlalaro.
Nakapaglaro ng labing tatlong season si Unseld sa ilalim ng koponan ng Bullets-Wizards. Naging Rookie MVP rin ito at nanguna sa tanging championship game ng Washington noong 1978.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay si NBA Commissioner Adam Silver at pinapurihan ang naging matagumpay na taon nito sa NBA.
Itinuring ding isang modelo ni Silver ang basketbolista na may class, integrity at professionalism.