Ni Justine Nazario
MAHIGIT 1,200 ang naitala ng bansang Nepal na namatay dahil sa depresyon sa kasagsagan ng umiiral na lockdown sa naturang bansa.
Naitala lamang ang fatality sa loob lamang ng pitumpu’t apat (74) na araw.
Ayon sa mga doktor malaki ang naging epekto ng lockdown sa mga mamamayan ng Nepal dahil sa takot na dala ng COVID-19.
Dagdag pa ng mga doktor na mas naging ilag ang tao sa isa’t isa at mas pinipiling mapag-isa, marami ring nawalan ng trabaho, at hindi alam kung paano mababayaran ang mga bayarin.
Dahil dito, marami ang nakaranas ng depresyon, stress at anxiety sa Nepal habang nasa lockdown.
Gayunpaman, gumawa naman agad ng aksyon ang government officials ng naturang bansa upang mapigilan na ito.