Ni Vhal Divinagracia
PORMAL nang inilunsad ng opisina ng bise presidente ang Oasis Project.
Ang nasabing proyekto ang syang magbibigay ng temporaryong housing units para sa mga health workers sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ideya ito ni kasalukuyang VP Leni Robredo upang mabigyan ng lugar ang mga frontliners para magpahinga at mag-recharge.
Katuwang ng Oasis Project ang ilang architects at mga construction, industrial at housing companies. Kasama na rin ang ilang mga hardware stores, gardening shops at ang 51st Engineer Brigade of the Philippine Army.