Ni: Melrose Manuel
TATANGGAPIN na sa ibang paliparan ang mga returning overseas Filipino workers (OFWs) na magbabalik sa bansa.
Ayon kay BCDA President and Deputy Chief Implementer of COVID-19 Response Vince Dizon, ide-decentralized na nila ang pagdating ng mga OFWs.
Bubuksan na ang Clark International Airport at sa mga susunod na araw ang iba pang international gateways upang doon ibaba ang mga returning Filipino migrant workers.
Paliwanag ni Dizon, isasailalim na ang mga ito sa COVID-19 testing at mandatory quarantine malapit sa kanilang tahanan at pamilya.
Isang paraan din aniya ito upang hindi na maulit muli ang nangyari nitong nakalipas na buwan kung saan natengga sa iba’t-ibang quarantine facilities sa Metro Manila ang mga OFWs na naghihintay na lamang ng resulta ng kanilang PCR test.