Ni Yna Mortel
MAITUTURING ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda bilang bayani ng ekonomiya ang mga online seller ngayong may pandemya.
Hiling ni Cong. Salceda sa Bureau of Internal Revenue na payagan isumite sa pamamagitan ng online ang form 1901.
Kinumpirma naman ni Sen. Sherwin Gatchalian na magkakaroon ng proteksyon ang mga costumers na tumatangkilik sa mga online product and service.
Dagdag pa ni Sen. Gatchalian, maaaring mapatawan ng kaso ang mga online seller na nagbebenta ng substandard na produkto at mga gumagawa ng online scam.
Samantala, magtatayo na ang pamahalaan ng e-commerce bureau na tututok sa mga problemang nararanasan ng mga online seller at costumer.
Sa pagtataya naman ni Sen. Gatchalian, tatangkilikin ng publiko ang mga fashion industry sa mismong boutique kaysa sa online.