Ni Karen David
IPINAGPALIBAN muna ang Oscars 2020 Awards sa sususunod na taon dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa mga organizers, palalawigin nila ang deadline ng pagsumite ng mga kalahok mula Disyembre 31, 2020 hanggang Pebrero, 2021.
Ang pagpapaliban ng academy awards ay dahil maraming mga pelikula ang hindi natapos dahil sa pandemic. Iaanunsiyo naman sa Marso 15, 2021 ang mga nominado sa naturang awards.
Matatandaang una itong inurong noong 1938 dahil sa pagbaha sa Los Angeles, ikalawa noong 1968 sa assassination ni Dr. Martin Luther King at ang ikatlo ay ang attempted assassination ni US President Ronald Reagan noong 1981.