Ni Justine Nazario
IPINATIGIL na ng World Health Organization (WHO) ang pag-aaral at pagpapatunay sa hydroxychloroquine bilang lunas sa COVID-19.
Ayon sa imbestigasyon, ang naturang gamot ay isang anti-malaria medicine, gamot din sa lupus at rheumatoid arthritis pero wala itong epekto sa paglaban sa coronavirus.
Ayon sa WHO hindi umano nabawasan ng hydroxycholoquine ang mga namamatay sanhi ng COVID-19.
Matatandaan na naging matunog ang gamot na ito nang mismo si US President Donald Trump ang nanghihikayat sa mga eksperto na gamitin ito kahit hindi pa napatunayang epektibo ito.
Gayunpaman ang remdesivir pa lamang ang maituturing na posibleng panglunas para sa COVID-19 dahil batay sa resulta ng mga clinacal trials natutulungan nitong maka-recover agad ang isang COVID-19 carrier.