Ni Melrose Manuel
HUWAG gamitin ang COVID-19 pandemic para isulong ang mga personal na interes.
Ito ang naging pahayag ni dating Department of Health Secretary Rep. Janette Loreto-Garin sa kontrobersyal na pag-alis kay Dr. Tony Leachon sa pagiging special adviser ng Inter-Agency Task Force ukol sa COVID-19.
Sinabi ni Garin na hindi na nakagugulat ang pagkakatanggal nito sa pwesto at kilala narin aniya nito ang personalidad ng doktor dahil nakasama nito noong kalihim pa lamang siya ng DOH.
Aniya, hindi tama na nagpapalabas si Dr. Leachon ng kanyang sariling opinyon sa social media dahil ang dapat nitong gawin ay makipagdiskurso sa mga eksperto at makipagtulungan sa pagbibigay ng solusyon sa problemang dulot ng COVID-19.
Sa huli, pinayuhan nalang ni Garin si Leachon na tumahimik na at huwag ng magpost online upang makakuha lamang ng simpatiya sa publiko dahil marahil aniya hindi nito nagagawa ng maayos ang kanyang trabaho.