Ni Jao Gregorio
MULING ipinaalala ni Senator Richard Gordon ang kahalagahan ng immunization coverage sa panahon ng pandemiya.
Aniya, kung ititigil ang pagbabakuna, maari itong humantong sa iba pang vaccine preventable diseases outbreak kagaya na lamang ng polio at measles.
Ani Gordon na siyang chairman ng Philippine Red Cross, dapat mapigilan ang mga ito sa pamamagitan ng vaccination program.
Ipinunto pa ni Gordon ang naging measles outbreak noong taong 2019 matapos ipatigil ang immunization coverage sa bansa.
Tumaas aniya ito sa 130% kumpara sa kaparehong panahon noong 2018.
Ibinahagi rin ni Gordon ang muling paglabas ng mga polio cases noong nakaraang taon na may labing pitong tao ang nagpositibo dito.
Kaya panawagan ng mambabatas na huwag ipatigil ang pagbabakuna sa bansa sa gitna ng COVID-19 crisis.