NI: VIC TAHUD
PANSAMANTALANG sinuspinde ng Pilipinas ang pagbasura sa Visiting Forces Agreement o VFA sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa isa nitong Twitter post.
Aniya, ang pagsuspinde sa VFA termination ay alinsunod sa desisyon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte dahil sa kasalukuyang kinahaharap ngayon ng Estados Unidos.
Magtatagal naman ng hanggang anim na buwan ang nasabing suspensyon.
Sinabi naman ni Locsin na naipadala na ng DFA sa tanggapan ng embahada ng Estados Unidos dito sa Pilipinas ang naturang desisyon ng pamahalaan.