Ni Jao Gregorio
NAG-IWAN ng isang payo ang NBA veteran na si Michael Jordan sa mga manlalaro ng Charlotte Hornets.
Sa isang video conference, inihayag ng 7-time champion na ang pagiging kumportable sa iyong kapwa manlalaro ang susi sa isang matagumpay na karera.
Dagdag pa ng ngayong Hornets owner, huwag mag-alangan na tawagin ang kapwa manlalaro para mag-ensayo kung may pauli-ulit na kamalian ang iyong koponan.
Sa pamamagitan nito ani Jordan ay magpapatibay ng samahan ng isang team.
Ibinahagi rin ng all-star player na mapapanuod sa kaniyang 10-part documentary series ang lahat ng aral na kaniyang natutunan sa buong karera sa NBA.
Matatandaang, pinangunahan ni Jordan na makuha ng Chicago Bulls ang ika-anim at huling kampeonato nito kasama ang koponan.
Samantala, isa ang Charlotte Hornets sa mga team na hindi napabilang sa resumption ng game na magsisimula na sa susunod na buwan sa Florida.