Ni Jao Gregorio
HINDI sinang-ayunan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang planong pag-postpone ng Philippine Health Insurance Corporation PhilHealth sa implementasyon ng Universal Healthcare Law (UHCL).
Aniya maapektuhan nito ang laban ng bansa kontra COVID-19.
Nakaka-alarma ani Drilon ang hakbang na ito ng PhilHealth na magbibigay sana ng mas murang medical services at magpapalakas sa health care system ng bansa.
Dagdag pa ng mambabatas na habang ang ibang bansa tulad ng South Korea at Singapore ay bumubuti ang sitwasyon dahil sa pagpapalakas ng kanilang universal healthcare coverage, ang Pilipinas ay plano pa itong i-suspende. Giit pa ni Drilon na ang UHCL ang solusyon para malabanan ang COVID-19.