Ni Vic Tahud
KANSELADO ang flights ng Philippine Airlines patungong Amerika at Canada simula ngayong araw hanggang sa ika-labing dalawa ng Hunyo.
Ayon sa PAL, hindi nabigyan ng otoridad ng international arrival slots sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa aberya kaugnay sa quarantine processing capacity ng Manila.
Sa kabila nito, pinaplano ng PAL na matuloy ang ilang flights bukas Hunyo a-11. Kabilang dito ang Flight PR102 na may biyaheng Manila-Los Angeles at PR103 Los Angeles-Cebu na inaasahang darating sa Hunyo a-13.
Kaugnay nito, ang lahat ng pasahero ng PR103 na lalapag sa Cebu ay kailangang sumailalim sa ipinatutupad na health protocols kabilang na ang pagsasailalim sa quarantine.