Ni Vic Tahud
PANSAMANTALANG ititigil muna ang Balik Probinsya Program para matutukan ang pagpapauwi ng mga Locally Stranded Individual o LSI.
Ito ang kinumpirma ni Asec. Joseph Encabo, Presidential Management Staff ng National Housing Authority.
Pagkatapos maberipika ng PMS ang mga request ng mga LSI, ipapadala nila ito sa mga ahensya na magbibigay ng kanilang transportasyon.
Ani Encabo, ang para sa mga manggagawa na na-stranded sa Metro Manila, ipapadala nila ang mga request sa Department of Labor and Employement.