Ni Troy Gomez
IPINAUUBAYA ng Malakanyang kay Health Secretary Francisco Duque III ang pagde-desisyon kaugnay ng panawagan na mag-leave of absence muna ito sa gitna ng imbestigasyon ng Ombudsman na may kinalaman sa umano’y iregularidad sa pagtugon nito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Kung maalala, inihayag ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na sakaling may nagawang hindi tama si Duque, mapagbibigyan pa niya ito basta’t huwag lang na may kaugnayan sa korapsyon at katiwalian.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi lamang naman si Duque ang nangangasiwa sa departamento kung hindi marami pa itong ibang mga kasamang opisyal sa kagawaran na may responsibilidad dito.
Una nang iminungkahi ni Senator Sherwin “Win” Gatchalian na mag-leave si Duque para matiyak ang impartial probe ng Office of the Ombudsman.