NI: TRISHA MOLINA
GAGANAPIN ang susunod na public address ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa lungsod ng Davao. Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa isinagawang press briefing kung saan nananatiling nasa Davao City pa rin ang Pangulo dahil sa official functions at para tingnan ang sitwasyon ng Mindanao.
Inihayag naman ni Roque na inaasahang lilipad din papuntang Davao ang ilang miyembro ng gabinete at Inter-Agency Task Force o IATF members para gagawin doon ang pagpupulong kasama ang punong-ehekutibo sa darating na Hunyo a-kwatro.
Matatandaang bago ideklara ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon noong March 16, tuwing weekend na umuuwi ng Davao City si Pangulong Duterte para makapiling ang kanyang pamilya.