Ni Vic Tahud
NAG-USAP si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Chinese President Xi Jinping kagabi bago ang pagdiriwang ng Philippines Independence Day ngayong araw. Ito ang kinumpirma ng Chinese Embassy sa Maynila.
Ayon sa embahada, sabay na nilalabanan ng bansa at ng China ang pandemic na COVID-19.
Pinuri naman ni Xi ang naging hakbang ni Pangulong Duterte para labanan ang pandemic na COVID-19.
Samantala, nangako naman ang China na patuloy na susuportahan ang bansa sa laban kontra COVID-19.
Kaugnay dito, pinuri rin ni Pangulong Duterte ang paglaban ng bansang China sa COVID-19 at ang ginagawang pagtulong nito sa ibang bahagi pa ng mundo.