Ni Justine Nazario
NADISKUBRE ng mga mananaliksik sa China ang isang bagong strain ng Swine Flu na pinangangambahan na maaring magbunsod na naman ng isang pandemya.
Ayon sa US Science Journal PNAS, pinangalan ang swine flu na G4 na anila’y genetically descended ito sa H1N1 na nagbunsod ng pandemic noong 2009.
Lumalabas rin sa pag-aaral na ang sintomas sa naturang sakit ay katulad ng ordinaryong lagnat, ubo at pagbahing.
Maliban rito, lumalabas din sa datos na maaaring maipasa ang G4 sa tao ngunit wala pang pruweba kung maaari itong maipasa ng human to human.
Sa ngayon, nagsasagawa ng ibayong pag-iingat ang lahat ng mga swine workers.