Ni Vhal Divinagracia
REGULAR nang empleyado ang isang daan na mga contractual workers sa City Hall ng Pasig City.
Ito ang kinumpirma ni Pasig Mayor Vico Sotto matapos inanunsyo nito na ang mga empleyado sa City Hall na dalawampung taon nang nagbibigay serbisyo para sa syudad ay dapat maging regular employees na.
Bunsod na rin umano ito sa paghihinto ng patronage politics sa lungsod.
Noong Enero, limampu’t tatlong mga contractual employees ay nauna nang naging regular at sinundan naman ng isang daan at siyam pa noong Pebrero.