Ni Melrose Manuel
AABANGAN ng Philippine Basketball Association o PBA ang opisyal na pahayag ni Pangulong Rodrigo R. Duterte tungkol sa quarantine classification sa Metro Manila ngayong araw.
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcia, ito ay kung maaari nang babalik ang sitwasyon ng PBA.
Nagsumite narin ang PBA ng guidelines sa Inter-Agency Task Force at Department of Health para sa gagamiting tuntunin ng mga teams sa kanilang pagbabalik-ensayo.
Kung gagawing MGCQ ni Pangulong Duterte ang Metro Manila ay posibleng luwagan ang pagbabawal sa mga sporting activities na maaaring magbigay-daan sa on-court workouts ng mga PBA teams.
Nakatakda namang kakausapin sa Hunyo 23 ni Marcial ang kinatawan ng mga PBA players kaugnay sa gagamiting ‘bubble environment’ sakaling payagan ang liga na makabalik sa Oktubre.