Ni Pat Fulo
TULOY pa rin ang phase-out ng mga lumang jeepneys sa Hunyo a-30 sa kabila ng kinahaharap na krisis.
Ito ang kinumpirma ni Engineer Bert Suansing, consultant ng Department of Transportation.
Itinanggi naman nito na sinasamantala nila ang COVID-19 pandemic upang hindi na mapabalik sa kalsada ang mga lumang jeepneys.
Paliwanag ni Suansing, bago pa man ang pandemya ay inanunsyo ng mayroon na lamang hanggang katapusan ng Hunyo ang mga traditional jeepney operators upang palitan ito ng modern jeepneys.
Samantala, papayagan namang pumasado ang ilang traditional jeepneys na pumasa sa Land Transportation Office (LTO) simula sa susunod na Lunes, Hunyo a-21.