Ni Vhal Divinagracia
HANDA si Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth Chief Ricardo Morales kung sakaling palitan ito sa pwesto.
Itoy matapos sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mas mainam na maghanap ng ibang magpapatupad sa Universal Health Care Law o UHCL.
Kaugnay ito sa apela ni Morales na baka maaaring ipagpaliban muna ang pag-roll out ng nasabing programa dahil bumababa na ang kita ng PhilHealth bunsod ng COVID-19 pandemic.
Matatandaang isinusulong ngayon ang pagpapatupad ng UHCL para matulungan ang publiko na maka-access sa healthcare sa gitna ng pandemya.
Samantala, nilinaw naman ni Roque na hindi nya binabalaan si Morales na mapapalitan sa pwesto subalit binigyang-diin nito na kailangan lang aniya na maipatupad agad ang UHCL.