Ni Karen David
PANSAMANTALANG suspendido ang lahat ng operasyon ng Philippine Consulate General sa Jeddah, Saudi Arabia ngayong araw hanggang sa Hulyo 2.
Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa nilang tauhan at dalawang dating wards.
Sa inilabas na abiso, sinabi ng konsulada na ang empleyadong nagpositibo ay may mga tungkulin na mayroong high public exposure.
Dagdag pa ng konsulada, narepatriate na kamakailan sa Pilipinas ang dalawang male wards.
Inatasan naman ang lahat ng consulate personnel na mag self-quarantine at agad magpatingin sa doktor sakaling makaranas ng mga sintomas ng COVID-19.