Ni Vic Tahud
INIHAYAG ni Department of Education Sec. Leonor Briones na mayroon ng 10.6 million online enrollees ang bansa sa ngayon.
Ito ang kinumpirma ng kalihim sa pakikipagpulong ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Inter-Agency Task Force Against COVID-19.
Ani Sec. Briones, maaring gamitin ang cellphone ng mga bata para sila makapag-aral.
Dagdag pa ng kalihim, mayroon ding solusyon para sa wala talagang magamit na telebisyon, radyo at cellphone para makapag-aral.