Ni Vhal Divinagracia
I-DEDEPLOY ng Philippine National Police ang dalawa nitong grupo ng Special Action Force o SAF sa Cebu City.
Ito’y ayon kay Joint Task Force COVID-19 Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar. Bilang pagbigay suporta aniya ito sa pakikipaglaban kontra COVID-19 sa syudad.
Ani Eleazar, ang pagtatalaga ng SAF personnel ay napatunayan nang epektibo sa Metro Manila para mamalagi ang publiko sa kanilang bahay. Maiiwasan na aniyang lumabas ang mga tao dahil sa kilala ang mga SAF personnel na striktong nagpapatupad ng protocols.
Matatandaang tinawag ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang mga Cebuano na matitigas ang ulo dahil sa hindi nitong striktong pagsunod sa community quarantine guidelines.
May tig-isang daan at limampu ang bawat grupo ng itatalagang SAF personnel.