Ni Melrose Manuel
WALA nang naitalang nagpositibo ng coronavirus disease sa mga manlalaro ng Premier League.
Sa kabuuang 1,195 na mga manlalaro at club staff ay hindi nagtala ng anumang nagpositibo sa nasabing virus.
Ayon sa liga, isa itong magandang balita dahil sa nalalapit nilang pagbabalik sa paglalaro sa Hunyo 17.
Sa kabuuan ay mayroon lamang 13 mga manlalaro at club staff sa kabuuang 6,274 na isinailalim sa testing.
Magpapatuloy din ang nasabing testing dalawang beses sa isang linggo.