Ni Melrose Manuel
POSIBLENG tataas pa sa P300 kada kilo ang presyo ng karne ng baboy sa mga pangunahing pamilihan sa Metro Manila.
Paliwanag ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), aabot sa limampung porsyento ng mga inahing baboy ang namatay dahil sa African Swine Fever o ASF.
Sa ngayon, nasa P190 hanggang P225 ang suggested retail price ng baboy.
Samantala, pinag-aaralan na ngayon ng Department of Agriculture na i-byahe ang sobrang suplay ng baboy sa Mindano para maibalik ang sapat na suplay sa Luzon.