Ni Vhal Divinagracia
PROTEKSYON para sa mga online buyers, sellers at shops ang pag-register ng mga online businesses sa Bureau of Internal Revenue o BIR.
Ito’y ayon kay Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez matapos lumaganap ang mga reklamo kaugnay sa online transactions.
Matatandaan noong nakaraang dalawang linggo ayon kay Lopez, maraming natanggap na ulat ang kanilang ahensya dahil umano sa mga online scams.
Dagdag pa ng kalihim, para na rin umano ito sa traceability ng mga sellers lalong-lalo na kung may reklamo ang mga customers sa mga nabili nito.