Ni: Vhal Divinagracia
BINABATI ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang Philippine National Police o PNP sa matagumpay nitong war-on-drugs campaign.
Sa pulong balitaan ng IATF kasama ang Pangulo sa Davao City, sinabi nito na ginagampanan nang maayos ng kapulisan ang kanilang tungkulin sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic.
Ang pagbati ng Pangulo ay bunsod ng pagkakasabat ng PNP kasama ang PNP-Drug Enforcement Group sa Marilao, Bulacan ng animnapu’t tatlong kahon ng shabu sa ikinasang anti-drug operation kahapon.
Lumalabas sa report na nagkakahalaga ng nasa higit limang bilyong piso ang kabuuang halaga ng iligal na droga ang nasabat sa naturang operasyon.
Dagdag pa ng Pangulo, masaya ito na sa kabila ng pandemya ay handa parin ang PNP na ipatupad ang war-on-drugs campaign.