Ni MJ Mondejar
NAGBABALA ngayon si dating Health Secretary Janette Garin sa pagkakaroon ng mas agresibong coronavirus disease dahil sa pagluwag ng community quarantine sa bansa.
Payo naman ni Garin sa mga Pinoy- huwag magpakakumpiyansa.
Sa panayam sa Usaping Bayan, ibinabala ni Garin na posibleng mag-mutate at mas maging agresibo ang coronavirus disease o COVID-19.
Lalo na ngayon na lumuwag ang health protocols na ipinatutupad sa ilang lugar sa bansa.
Ayon kay Congresswoman Garin na isa ring doctor, kasabay ng pagtaas ng COVID-19 cases ang pagtaas din ng posibilidad na mag-mutate ang virus.
Giit ni Garin na hindi parin humihina ang virus pero nakatulong naman ang pagtaas ng testing capacity ng bansa para maagapan ang pagkalat nito.
Samantala, dahil sa abot kaya na ngayon ang COVID-19 test kits ay dumarami narin ang naitatalang kaso ng COVID.
Nitong Miyerkules June 23, pumalo sa record high 1,150 COVID-19 cases ang naitala sa bansa.