NI: VIC TAHUD
MAGBIBIGAY ng libreng sakay ang lokal na pamahalaan ng Quezon City para sa mga stranded commuters sa lungsod.
Ayon sa city government, labing apat na bus ang kanilang ilalaan para sa dalawang ruta para sa libreng sakay program.
Ang unang ruta ay SM Fairview hanggang Quezon Avenue MRT via Commonwealth Avenue, kung saan ang starting point ay sa SM Fairview.
Ang mga pick up points naman ay, Atherton / FCM, Doña Carmen / Don Fabian (Wilcon), Litex, Commonwealth Market / Riverside, Batasan, Don Antonio, Luzon / Tandang Sora (Puregold) at ang drop off point ay sa Quezon Avenue MRT.
Ang pangalawang ruta naman ay Novaliches Bayan papuntang North Ave. MRT via Quirino Highway – Mindanao Ave.
Ang starting point naman nito ay sa Nova Bayan at ang drop off point ay sa North Ave. MRT.