Ni Arjay Adan
MATAPOS na opisyal na magretiro ang dating national Team Stalwart na si Ranidel De Ocampo ay muli itong magbabalik sa TNT katropa bilang isa sa mga assistant coach ng koponan.
Inanunsyo ni TNT Katropa Team Manager Gabby Cui ang pagkuha nila kay De Ocampo na naglaro para sa TNT franchise sa loob ng siyam na taon na nakapagpanalo ng anim na championships sa liga.
Ayon kay Cui, malaki ang maaaring maitulong ni Ranidel sa kanilang team na manalo dahil sa malaki ang championship experience nito at dahil na rin sa kanyang malawak na kaalaman sa sports.
Ang pagkuha ng katropa kay De Ocampo ay nangyari isang linggo matapos nitong tanggalin si Coach Tab Baldwin dahil sa naging kontrobersyal na komento nito sa liga.