Ni Justine Nazario
NAPAGTANTO ng aktor na si Rocco Naccino sa kasagsagan ng quarantine na hindi pala lahat ng gusto niya ay magagawa o makukuha.
Naging magandang karanasan para sa aktor ang quarantine dahil dito nalaman niya kung ano ba talaga ang kailangan niya para mabuhay at naisantabi ang mga gusto lang.
Ayon pa sa aktor natutunan niyang mamuhay ng simple.
Dagdag pa nito na dati ay mayroon siyang sports car at maraming mga relo pero ngayon masaya na aniya siya sa isang relo at masaya narin siya dahil may sasakyan siyang magagamit para bumili ng mga kailangan niya.
Marami namang natuwa at humanga sa naging realisasyon ng aktor sa gitna ng COVID-19 pandemic.