Ni Justine Nazario
NAKATANGGAP ng dalawang parangal si singer-army reservist Ronnie Liang matapos niyang ma-fulfill lahat ng duty nito.
Pinaralangan si Ronnie ni Army Commanding General Lt. Gen. Gilbert Gapay at si Armor Pambato Division Commander Major Genreal Robert C. Dauz.
Natanggap ni Ronnie ang Meritorious Achievement Medal at Disaster Relief Rehabilitation Operation Ribbon.
Matatandaan na isa si Ronnie sa mga kilalang personalidad na naging frontliner sa gitna ng pandemic na kinakaharap ng bansa.
Ayon sa Armor Pambato Division ang dalawang awards na natanggap ni Ronnie ay sumisimbolo sa kanyang strength, dedication, at hardwork sa kasagsagan ng quarantine.
Samantala, magbabalik trabaho na si Ronnie at isa sa mga proyekto nito ay ang Filipino adoption ng Crash Landing On You.