Ni Melrose Manuel
NAGPAHAYAG na ng kahandaan ang ilang probinsiya sa bansa na buksan na ang turismo sa kanilang lugar.
Sinabi ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo–Puyat na pinayagan na nilang magbukas ang Boracay dahil wala silang naitalang kaso ng COVID-19 ngunit bukas lamang ito para sa mga taga-Western Visayas.
Inihayag din ni Puyat na epektibo ang ipinatutupad na tuntunin dito tulad na lamang ng paggamit ng QR codes sa mga pumapasok sa lugar upang mapadali ang isasagawang contact tracing sakaling may magpositibo ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Ayon pa kay Puyat, kasama rin sa napipintong bubuksan ang lalawigan ng Bohol at Baguio City.