Ni Vhal Divinagracia
MAYROONG handog na scholarship program ang BPI Foundation para sa mga naulilang anak ng mga pumanaw na medical frontliners.
Sampung estudyante ang pipiliin ng BPI para sa kanilang “Pagpugay Scholarship” Program na kanilang libreng pag-aaralin sa loob ng limang taon.
Ang mapipiling scholar ay paglalaanan ng 100,000 pisong scholarship fund kada taon para sa tuition fees at miscellaneous expenses.
Kwalipikadong mag-apply ang mga anak ng pumanaw na medical frontliners ng COVID-19 gaya ng mga doctor, nurses, medical technologist, community health workers at maging mga admin, utility at support services personnel sa mga health care facilities.
Para sa mga nais mag-apply, maaaring ipasa ang aplikasyon sa admissions@g.msuiit.edu.ph